Scary Night sa Liblib na Bukid | Solo Tricycle Vanlife

95,930
0
Published 2024-06-25
Ngayon gabi ay napadpad ako sa isang liblib na baryo,
sa kaliwa at kanan ay bukirin lang ang matatagpuan.
Huli na ng nalaman ko ang mga bumabalot dito na kwento,
kwentong kababalaghan, na may patunay pa ng barrio kapitan.

Umakyat din ako ng isang misteryosong bundok
at binisita ang kweba, kung saan ang pinaghihinalaang nilalang ay dati daw nakatira.
Anu ano ang aking naranasan at nakita nang nagpalipas ako ng gabi sa liblib na bukid nang magisa?
At ano ang misteryosong anino nahagip ng camera ko?

All Comments (21)
  • Astig yang Tricycle Van Life mo Bro..More creepy Stories prior sa mga ASWANG.. ..Ingat LNG palagi
  • Nakakatuwa magbasa ng mga komento, pero isa lang mas masasabi ko mas matakot ka sa tao kesa sa mga eapirito or anumang elementong binabanggit nila.. Sapagkat ang anumang elemento ng kababalaghan eh hinde pwede magpagalaw or humawak sa enerhiya ng tao dahil magkaibang dimension ito.. Sadyang malikot lang tlaga ang kathang isip ng tao.. Kaya sa buhay ka mas matakot dahil baka pagnakawan or anuman gawin masama sayo pag nalaman wala kang kasama.. Nice video idol.. Till next video.. Intereating!! ❀
  • @kigztv6127
    Sa ganyang mga vlog mo kailangan may dala kang panguntra kahit saan pang depensa sa mga kampon ng kadiliman
  • @kRavenReyes
    Intuloy tuloy Muna yan idol support kami sa lahat ng upload mu
  • Ingat ka palagi boss, lalo pag sa mga liblib na lugar at solo ka lang, di lang aswang pwedeng umatake sayo, mas mag ingat ka sa mga taong may mga masasamang balak haha kaya ingat lagi po
  • Delikado din yang ginagawa niyo hwag masyadong magtiwala lalo makikain ka kung saan saan at hwag kang tumanggap ng pagkain at makiiinom. At magdala ka ng pangontra mahirap yong mgpretend kang matapang dahil hindi mo kakayanin ang kaya nilang gawin.
  • nice sa upload bro.,quality parang short film ang dating πŸ€™
  • @lakwatsanikit
    What you saw brader is called "Territorial Spirits" or mas kilala sa nakasanayan nating elemento, kung bakit ko alam dahil dati akong paranormal investigator, but i stop for some personal reasons. Sobrang curious nila sa mga bagong salta sa kanilang lugar. And hopefully hindi sila nag iwan ng kahit anong palipad hangin na pwedeng mag cause ng rashes, sickness or any unusual feeling. Nice travel content brader, stay safe. new subscriber here! πŸ‘Œ
  • Nabitin ako bro sa kwentong ito. Sana may susunod na part. Ingat lagi.
  • ang dami ko ng napuntahan, tumanda na lang ako, so far wala pa naman. (Pwera usog) Pero nag bibigay respeto ako sa bawat lugar na napuntahan ko, lalo na ang nga lokal. Sa mundong ito, lahat seguro nandito na. Godspeed and Godbless bro, always.
  • astig ok tong vlog na to ah... ingat sa byahe lagi Sir
  • Amping brad. Dont go looking for trouble,may pamilya ka. Those places (kweba)may mga negative vibes that you can bring over sa bahay nyo.and Mismong local guide takot ang you still proceeded. Maybe next time a bit more careful. Not worth risking .
  • Kami ng nanay ko nakakita ng dalawang manananggal na magkasabay na lumilipad at totoo nga na kalahati lang ang mga katawan nila yung upper body at nakabitin kasama yung bituka nila. Nangyari iyon habang magkasama kami ng nanay ko na naglalakad pauwi. Habang ako mismo nakakakita ng kapre habang kabilugan ng buwan dahil may kinailangan akong kunin sa likod ng bahay namin. Dati akala ko kwento lang yung mga ganyan pero nung nakita na namin mismo doon mo masasahing to see is to believe nga. Isa na kami doon
  • Looking forward for new vlogs,, stay safe po,,,Sana po may easy access kayo from loob nang tricycle going sa motor incase of emergency hindi muna kailangang lumabas, makaka alis ka agad,,
  • @ErnsAnto
    Naay ongo diha bai .....ug kapee santelmo mamarang Santa nesem ....β˜ οΈπŸ€£πŸ˜‚πŸ€ͺπŸ€ͺ
  • erp,mag pasintabi ka everytime you enter o mag stay sa isang lugar as pagbibigay respect na din sa kung anu at alin ang nasa lugar na iyon. ingat palagi and nice content!
  • @avo6309
    ang ganda ng content πŸ’—
  • @unknow8903
    Di ko makalimutan karanasan ko sa probinsya namin sa bukid sa kubo, sinugod kami hating gabi. Nagpupumilit makapasok sa loob, paikot ikot sa kubo tas tatalon sa bubong ramdam mo na parang mabubutas yung yero tas nakakakilabot yung kuko nya na kinakalmot yung yero ng dahan dahan, tas tatalon na ulit pababa iikot ulit sa kubo ramdam mo yung yabang na parang tao talaga na naglalakad. Nung umalis na tsaka lang kami nakagalaw at nakahinga ng maayos. Simula nun di na kami ulit natulog sa kubo
  • @lemongrab1792
    Every men's dream makapag solo travel iba ang saya at kwento na mababahagi mo sakanila